in

Sa Edad na 46, Miriam Quiambao isinilang na ang kanyang ‘Miracle baby’

Noong Lunes, July 12, isinilang na nga ni Miss Universe 1999 1st runner up Miriam Quiambao ang ikawalang anak at tinagurian nilang ‘Miracle Baby’.

Pinangalanan nina Miriam at ng kanayang asawang inspirational speaker na si Ardy Roberto ang kanilang baby boy na si Ezekiel Isiah ” ziki” Roberto.

Kalakip ng larawan nito sa instagram ang mag ama nagbigay ng mensahe ang dating beauty queen, “Good morning! Thank you for your prayers!

“We are delighted to announce that our miracle baby Ezekial Isaiah ‘Ziki’ Quiambao-Roberto was born at 37 weeks and 1 day on July 12, 2021 at 6:06 pm weighting 7lbs 1oz with a length of 50 cm and APGAR Score of 9/9!! Glory to God!”

Dagdag niya, “Thank you to all of you who prayed and journeyed with us this far. Do keep us in your prayers as we transition into a new season of our family life.”

Kung matatandaan, noong December, 2020 ibinandera nina Miriam at Ardy na magkakaroon na uli sila ng baby. Ayon kay Miriam, kakaibang journey din ang pinagdaanan niya sa kanyang pagbubuntis sa edad na 46.

“It’s not only considered a miracle pregnancy (considering a previous diagnosis of almost infertility for my husband and I) but also this is my second pregnancy!!! As my husband said, it’s like lightning striking twice!” pahayag ni Miriam sa isa niyang IG post nang malamang buntis uli siya.

Isinilang ni Miriam ang una nilang anak ni Ardy na si Elijah noong Feb. 16, 2019. Apat na taon din ang kanilang hinintay bago biyayaan ng anak.

Heart at Chiz Escudero, Ibinihagi ang photo kung paano sila mag away!

Tunay na dahilan ng hiwalayan noon nina Jericho Rosales at Heart Evangelista naungkat muli