in

Sikat na game streamer na si “Ako Si Dogie” magiging daddy na, excited na namili ng gamit ng baby

 

Ako Si Dogie masayang ibinahagi na magiging isa na rin siyang ama.

 

 

Hindi mapagsidlan ang tuwa ni Dogie o Setsuna Ignacio sa totoong buhay dahil sa blessing na dumating sa kanya.

 

 

Naghuhumiyaw na ibinahagi nito na buntis na ang kanyang partner na si April Joy Barrueso na mas kilala bilang AJ.

 

 

Kaya naman bilang excited daddy, sa kanyang latest vlog ay ipinamili na agad ni Dogie ng gamit ang kanilang baby.

 

 

Bawat store na pupuntahan nila ng kanyang partner ay proud na proud pa niyang sinasabi na buntis na ito.

 

 

Binilhan niya din ng isang malaking teddy bear ang kanilang upcoming baby na papangalan nilang Aizel Reign.

 

 

Dalawang baby crib at strollers naman ang kanilang pina reserve sa mall na kanilang pinuntahan.

Nang makauwi naman ng kanilang bahay ay paulit-ulit na sinasamabit ni Dogie na sobrang excited na talaga siya.

 

 

Maririnig pa ngang sabi ni AJ na, “Oo nga sobrang excited ka 1 month pa lang pinamili mo na agad.”

 

 

Sobrang overwhelmed din daw si Dogie, at masayang masaya siya na hindi niya ma-explain ang kanyang nararamdaman.

 

 

Nais din umano niyang sumunod sa yapak niya ang magiging anak nila ni AJ.

Around thirty to thirty five thousand din agad ang nagastos nila sa ilang pirasong gamit pa lang na napili nila.

 

 

Ngunit hindi daw siya nanghihinayang at handa daw siyang gumastos ng malaki para sa magiging baby nila.

 

 

May ipon na rin daw siya para sa kanilang baby at sa panganganak ni AJ at pinaglaanan daw niya ito ng kalahating milyong piso.

 

Panoorin dito ang kabuuan ng kanyang video:

Carmina Villaroel at Zoren Legaspi naiyak sa unang pagkakataon na mahihiwalay sa kanila ang anak na si Mavy

Heart at Chiz Escudero, Ibinihagi ang photo kung paano sila mag away!