in

Sikat na vlogger na si Mariano Lingay naka-jackpot sa kanyang napakagandang kasintahan

 

Love is blind, ‘yan ang pinatunayan ng vlogger na si Mariano Lingay at ang kasintahang si Cindy.

 

 

Madalas na hinuhusgahan ng mga tao ang kanilang kapwa dahil sa kulay ng kanilang balat o di kaya naman ay sa estado ng kanilang buhay.

 

 

Kung ikaw ay mahirap at maitim ang iyong balat tiyak na mababa ang tingin sa iyo ng ilang mga tao samantalang kung maputi naman ang iyong balat at nakakaangat ka sa buhay ay tiyak na napakataas ng tingin nila sa iyo at irerespeto ka ng husto.

 

 

Ngunit mayroon pa rin namang kakaunti naniniwalang hindi dapat pagbasehan ang pisikal na anyo.

Para lamang sa respetong matatanggap ng isang tao mula sa kaniyang kapwa.

 

 

Isang buhay na patotoo na marahil ang buhay ng 18 taong gulang na si Mariano Lingay na isang katutubong Aeta.

 

 

Si Mariano Lingay ay unang nakilala nang ipamalas niya ang kanyang talento sa pag-awit.

Isa siyang katutubong aeta na nadiskubre dahil sa husay niya sa pagkanta, siya ay nakatira sa Marcos Village Pampanga.

 

 

At ito ang ginawa niyang hanapbuhay upang makatulong siya sa kanyang pamilya.

Hanggang sa unti-unti na siyang nakilala sa mundo ng YouTube dahil sa kanyang mga vlogs.

 

 

Kamakailan nga lang ay pumukaw sa maraming netizens ang video niya kasama ang isang napakagandang babae.

 

 

Nakilala itong si Cindy na kasintahan pala niya. Binansagan silang team MarDy.

Sa ilang mga serye ng kanilang videos nakilala ang love team na ito. Nahanap ni Mariano ang pag ibig kay Cindy at minahal naman din niya ito pabalik.

 

 

Madaming netizens ang nag aabang sa kanilang istorya.

Noong una ay sinasabi ng marami na scripted lamang ang pinapakita ng dalawa.

 

 

Ngunit nagdaan ang araw na makikitang mas lalong tumindi ang kanilang paglalambingan.

 

Ivana Alawi inalala ang kauna-unahang trabaho niya bago pa pumasok sa showbiz

Siya pala ang gwapo at anak ng bilyonaryong nagpapasaya ngayon kay Sue Ramirez!