in , ,

Sinabawang Hotdog ni Andrea Brillantes, TRENDING!!

Andrea lang sakalam!


Favorite talaga ng mga netizens ang young actress na si Andrea Brillantes. Trending na naman kasi ito dahil sa isang video clip na kinakatuwaan ng mga netizens.

Ang music video ng OPM singer na si Adie para sa kantang Tahanan, ay mabilis na humakot ng mahigit 40,000 na reaction (karamihan ay “Haha” reactions), 31,000 shares, at 2,600 comments.

Kinaaliwan ng mga netizens ang scene ni Andrea na tinitkman ang tila sabaw pero mantika lamang ng nilulutong hotdog.

Tila sinakyan naman ni Andrea ang mga nakakatuwang comments ay nakaisip pa ito ng bagong tagline para sa pinopromote na music video.

 

Kasunod nito ay nilinaw niyang hindi raw mantika ang kanyang tinikman kundi tubig daw.

Samanatala, ang direktor at producer ng music video na si Kris Cazin, ay ipinaliwag sa hiwalay na comment na intention niya talagang ipagawa ang nasabing scene.

“Okay so nag viral tayo dahil sa sinabawang hotdog. It actually worked!”

Sinabi pa nito, nagbuhos sila talaga ng tubig sa kawali upang pakuluan at kunyareng nagluluto lamang si Andrea.

“Ayoko na paglutuin si Blythe for safety reasons. Tapos nagulat na lang sila nagchop ako ng hotdog tapos nilagay ko sa pan.”

Paliwanag pa ng direktor, katawa tawa nga ang nasabing scene ngunit nagsasalamin naman ito na hindi lahat ng jowa o asawa ay marunong magluto.

Ngunit gayunpaman, sinusubukan parin nila itong gawin para sa taong minamahal nila.

“Don’t expect all women, jowa, asawa, etc na marunong magluto,”

“Ipagluluto ka parin niya kahit di siya marunong magluto. Show mo parin ang pagtingin mo sakanya. Mahal mo parin siya despite mukha siyang ewan na umiinom ng sabaw ng hotdog.”

Narito ang nasabing scene,

Sumikat noon bilang Pabebe Girl na si Michelle Alfonso nais pa ding pasukin ang showbiz

Video ni Skusta Clee at hinihinalang ipinalit nito kay Zeinab Harake viral ngayon online