in

Sumikat noon bilang Pabebe Girl na si Michelle Alfonso nais pa ding pasukin ang showbiz

Naalala niyo pa ba ang mga Pabebe Girls na nag-viral noon sa social media? Ganap na dalaga na sila ngayon!

Si Michelle Alfonso ang isa sa dalawang kabataang babaeng nakatikim ng panandaliang kasikatan noong July 2015 dahil nag-viral ang “Pabebe Girls” video nila ng kanyang kaibigang si Janet Ricabo.

Kung mataray ang dating nila sa kanilang viral video sa internet kung saan binansagan silang “pabebe girl warriors”. Malumanay naman silang nagpasalamat sa natanggap nilang suporta sa netizens at maging sa ilang celebrities.

Hindi raw nila akalain na papatok sa internet ang kanilang video at magiging daan para makilala sila. Samantala, wala nang balita tungkol sa Pabebe Girls matapos tumamlay ang interes ng publiko sa kanilang viral video na umani ng milyun-milyong views.

Pero makalipas ang limang taon, muling napanood sa telebisyon si Michelle. Isa siya sa choices ng judge na si Eula Valdes sa episode ng “Bawal Judgmental” ng Eat Bulaga!

Hindi agad namukhaan si Michelle ng televiewers dahil dalagang-dalaga na ang kanyang physical appearance. Higit sa lahat, makapal na ang kilay niya, sa tulong ng eyebrow pencil.

Sixteen years old na si Michelle at Grade 9 sa paaralang pinapasukan niya.

Labing-isang taon ang edad ni Michelle nang mag-viral ang “Pabebe Girls” video nila kaya nangarap siyang pumasok sa showbiz. Pero hindi ito natuloy, maliban sa mga TV guesting nila.

Gayunpaman, buhay pa rin ang pangarap ni Michelle na maging artista. Aniy, “Gusto ko pa rin pong pumasok sa showbiz kung may magma-manage sa akin.

“Masaya ako habang pinapanood ang sarili ko sa ‘Bawal Judgmental’ dahil ngayon na lang uli ako lumabas sa TV.”

Plano ni Michelle magbukas ng sariling You Tube channel at umaasa siyang mauulit muli ang karanasan niya noong 2011.

Magbubuhay reyna! Fiancé ni Maja Salvador na si Rambo Nunez, grabe pala kaPowerful at yaman!

Sinabawang Hotdog ni Andrea Brillantes, TRENDING!!