in

Toni Fowler itinaggi na scripted ang naging pag-aaway nila ni Rob Moya

Pinabulaanan ni Toni Fowler na scripted diumano ang viral video ng pag-aaway nila ni Rob Moya kamakailan.

Mainit ngang usapin ngayon ang naging pagtatalo ng dating magkasintahan na sina Toni at Rob. Sa kumalat na video sa social media ang makikitang nag-aaway sa isang public place ang dalawa.

Nagsisigawan, sumbatan, at murahan pa nga ang dating live-in partner sa nasabing video. Ayon naman sa ilang ulat ay nagsimula ang kanilang pagtatalo dahil sa pagiging touchy diumano ni Rob.

Lasing na daw kasi ng mga oras na iyon ang binata at paulit-ulit nitong sinasabi kay Toni na mahal na mahal niya pa ito. At gusto daw niya na magkabalikan silang dalawa.

Nainis naman daw si Toni at nasampal na lang niya si Rob dahil sa pagka-asiwa dito. Unang naging reaksyon naman ng marami sa kanilang video ay scripted daw ito.

Kaya naman sa naging panayam ni Toni sa vlogger din na si Maka6a6o ay mariin niyang itinanggi na scripted ang lahat ng pangyayari.

Ani Toni, kung gustuhin daw nila na gumawa ng ganoong content ay sana sa loob na lang daw ng kanilang bahay. At hindi na sa public place kung saan maraming tao ang makakarinig.

Lalo na’t nagbatuhan sila ng mga di kaaya-ayang mga salita laban sa isa’t-isa. Ipinaliwanag din ni Toni na kinain na lang din siya ng kanyang emosyon. Kaya nakapagsalita siya ng masasama laban kay Rob.

Narito ang buong paliwanag ni Toni ukol sa kanilang isyu:

Awra Briguela, humingi nang Sorry kay Coco Martin dahil sa hindi pagtupad ng pangarap nito sa kanya

Matapos kay Julia Barretto, Lolit Solis kay Marian Rivera naman ikinumpara si Bea Alonzo