in

Tunay na dahilan ng hiwalayan noon nina Jericho Rosales at Heart Evangelista naungkat muli

 

Ang mga Pinoy ay likas na mahilig sa showbiz at labis labis kung magmahal sa kanilang mga iniidolong mga artista.

 

 

Kaya naman nasasaktan din sila at dinadamdam ang paghihiwalay ng kanilang mga paboritong bituin sa kanilang mga dating minamahal.

 

 

Katulad na lamang ng hiwalayang Jericho Rosales at Heart Evangelista.

 

 

Unang nasaksihan ng publiko na sinuway ni Heart ang kanyang mga magulang nang ipaglaban niya ang relasyon nila ni Jericho Rosales.

 

 

Noong mga panahong iyon, si Heart ay 21 taong gulang habang 27 taong gulang naman si Jericho.

 

 

Ayon sa panayam ni Heart sa YES! Magazine (May 2013), sinabi ng aktres na ito raw ang mga panahong nasa “rebellious” stage siya.

 

 

Natatandaan pa nga niya, na sinabi niya noon sa sarili, “You and me against the world? That’s what you want? I’ll do it! I’ll give up my career… It’s stupid. I was stupid. I wasn’t loving someone that was wrong for me. That was okay. But the way I handled it, because I was headstrong, because I was rebelling…”

 

 

Nilisan noon ni Heart ang kanilang tahanan na halos walang laman ang ATM card, at saka sumama sa kanyang nobyo.

 

 

Aminado naman noon si Jericho na hindi maganda ang pagtanggap ng mga magulang ni Heart sa kanya. Gayunman, hindi nawala ang respeto niya sa kanila.

 

 

Dagdag pa ng aktor, nauunawaan niya ang pagiging “protective” nga mga magulang ng kanyang nobya.

 

 

Pero nagulat na lamang ang marami na sa ikaapat na taon ng kanilang relasyon, nakipaghiwalay ang aktres kayJericho.

 

 

Sabi pa ni Jericho, ilang tao raw kasi ang nagsabi ng mga “kasinungalingan” kay Heart habang magkalayo sila.

Sa Edad na 46, Miriam Quiambao isinilang na ang kanyang ‘Miracle baby’

AJ Raval, may ibinuking tungkol sa kanila ni Ronnie Alonte na ikinagulat ng lahat