in

Video ni Robin habang kinakantahan ang mga beauty queen, viral ngayon sa social media

Action star na si Robin Padilla kinaaliwan ng mga netizens sa social media.

Kilala si Robin bilang matikas at makisig na aktor. Kilabot din siya ng mga kababaihan noong henerasyon niya.

Pero hindi din maitatanggi na malakas pa din ang dating nito hanggang ngayon.

Kaya naman naimbitahan ang aktor sa ginanap na beauty pageant para sa Miss Sultan Kudarat 2021.

Nagpunta doon ang action star para haranahin ang mga nag gagandahang kandidata ng Miss Sultan Kudarat 2021.

Sa video na nakaupload sa social media, makikita na kinanta ni Robin on stage ang Wonderful Tonight para sa mga finalists na kandidata.

Habang kinakanta ito ay lumapit sa mga dalaga si Robin at nag bigay respeto sa pamamagitan ng paghalik sa kanilang mga kamay.

Sa kabilang banda, aliw na aliw naman ang mga netizens sa video na ito ni Binoe.

Base sa kanilang mga komento, malakas pa din daw ang dating ni Robin sa kanyang edad. Habang ang iba naman ay natawa dahil may napansin silang kakaiba sa naging performance ng aktor.

Komento ng iba, tila “lasing” daw ang aktor at parang kumakanta lang sa isang friends reunion.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“yung pagakyat palang kabado ka na para sa kanya”

“Lashing yern? 😂”

“Isang sisig pa nga sa table 7”

“Sabi sa inyo sasamahan niyo yung lasing pauwi eh. Kung saan saan napupunta.”

“Pinatagay ng empi coffee to ni daniel”

Panoorin ang nakakatuwang video dito:

Julia Montes at Coco Martin may aaminin na nga ba matapos maging viral?

Jessi Mendiola at Luis Manzano nagbabalak ng magkaroon ng sariling Anak?