in

Video ni Skusta Clee at hinihinalang ipinalit nito kay Zeinab Harake viral ngayon online

Usap-usapan ngayon online ang video ni Skusta Clee na may kasamang ibang babae.

Sa gitna ng bulong bulungan na hiwalay na diumano si Skusta Clee at partner niyang si Zeinab Harake. Isang video at ilang larawan ang nag-viral ngayon.

Kung saan makikitang may ibang babae ng kasama ang sikat na OPM rapper. Sa TikTok video na iyon ay tila nakasuot pa ng couple shirt sina Skusta at babaeng kinilalang si Evette Wilson.

Ayon sa ilang source best friend daw ni Skusta si Evette na nakabase sa California. Nakabaksyonn lang daw ito ngayon sa Boracay kaya nakasama niya si Skusta with their other friends.

Kilala din daw ni Zeinab si Evette at kaibigan din daw ng vlogger ang dalaga. Nabigyan lamang daw ng maIisya ang mga larawan at video dahil sumabay ito sa usaping hiwalayan ng magkasintahan.

Lumabas din ang isang larawan na katabi ni Skusta si Evette habang sila ay may ka-video call. Ngunit ayon sa kanilang kausap ay misunderstanding lang daw ang lahat.

Sa Facebook post naman ni Xian Gaza sinabi din nito na kakatawag lang sa kanya ni Zeinab. Nilinaw daw ng vlogger na kaibigan lang ni Skusta ang babaeng kasama niya sa viral video at photos.

Sa ngayon wala pang inilalabas na statement sina Skusta at Zeinab ukol dito.

Sinabawang Hotdog ni Andrea Brillantes, TRENDING!!

Patrick Sugui, nagsalita na kung bakit wala closefriends na sila Daniel at Kathryn sa kanilang kasal