in

Zeinab Harake inamin na lagpas sampung male celebrities ang inisnab niya ang mga message

 

Mahigit sampung male celebrities dinedma lang ni Zeinab Harake.

Naging special guest si Zeinab sa vlog ni Mika Salamanca sa YouTube.

 

 

Sa nasabing vlog ay ginawa nila ang “Spill It or Drink It” challenge.

Isa sa mga naitanong ni Mika kay Zeinab ay kung mayroon ba siyang insnab na male celebrity na nagcha-chat sa kanya.

 

 

Habanag natatawa ay inamin naman ni Zeinab na hindi lang isa kundi mahigit sampu palang male celebrity ang nadedma niya.

Samantala, sinabi naman nito ang dahilan kung bakit hindi niya pinansin ang mga ito.

 

 

Hindi daw dahil sa tingin niya ay masyado siyang maganda para sa mga ito. Ayaw lang daw niya na magkaroon ng issue.

 

 

“Marami! Ayokong magkaroon ng issue.

“Baka sabihin naman gandang-ganda ako sa sarili ko porket dinedma ko sila!

“Pero marami talaga. Lagpas sampu. Puro mga artista talaga, magkakaiba ng network,” saad ni Zeinab.

 

 

Sa bandang huli ay hindi naman pinangalanan ni Zeinab ang sampung male celebrities na kanyang dinedma.

 

 

Ayaw na lang din daw diumano magselos ang kanyang partner at ama ng kanyang anak na si Skusta Clee.

 

 

Sa kabilang banda, hindi naman talaga matatawaran ang kagandahan ni Zeinab. Kaya marami din talaga ang nahuhumaling sa kanya.

 

 

Samantala, inulang naman ng maraming komento ang nasabing vlog.

 

 

Narito ang ilan sa reaksyon ng mga netizens:

Tha best collaboration 2021 ZEINAB HARAKE AND MIKA SALAMANCA parang miss universe HAHAHAHA”

“Name drop daw pero sila lang ang nakaka alam palaging naka mute pag nagsasalita sila sa name ano ba yan”

“AHHAAH ANG TINIS NG BOSES ANG DALDAL!”

“sana mareveal din sino sino yung dinedma ni zeinab”

“Haba ng hair lagpas sampu ang inisnab”

Panoorin dito ang kanilang video:

Heart Evangelista inamin na hindi siya nagbibihis sa harap ng mister na si Chiz Escudero

Dennis Padilla emosyonal na ibinahagi ang hirap na pinagdadaanan niya ngayon